Sa mga gusto kumuha ng first job sa fast food, bibigyan ko na kayo ng head’s up kung ano magiging trabaho niyo.
Kung marami ng tao dun sa position na gusto nyo [counter/kitchen] wala kayong magagawa kundi ilagay kayo sa lobby [dining area]. Ang magiging trabaho niyo ay yung taga-ligpit ng mga kinainan, taga-walis ng floors, bathroom, taga-mop ng floors/bathroom, at tagapunas ng mga bintana, tables and chairs. Girls, wag kayong mag-alala kasi trabaho lng ng mga lalaki yung magtrash-out.
Ang main downfall ng pagiging new hire ay ikaw talaga ang utusan haha saka kung hindi pa binibigay yung uniform katulad sa akin [muka tuloy akong nagtatrabaho sa carinderia] ay madali talagang malalaman kung sino ang utusan haha
I-expect niyo na rin na magkakaroon kayo ng OT at least 15mins. Katulad sa akin simula ng nagduty ako, lagi akong OT at least 15mins. Wala pa kasi akong employee number kaya pagpapaalam lng sa Manager-in-Charge ang pag-out ko di katulad sa iba na through biometrics kaya nakarecord sa computer kung anong oras talaga nag-out.
For customers
Kung peak hours kayo kakain sa isang fast food chain, kung ako sa inyo hindi ako mag-uutos sa mga crew na nasa lobby. Nakikita nyo naman siguro yung ginagawang pagligpit namin sa mga kababuyan niyo? Bare hands lang ang ginagamit namin haha Kung ako sa inyo hindi ako mag-uutos na magpakuha ng tubig kasi obvious naman na madumi ang kamay namin, kahit hindi halata marumi yun promise haha. Kahit may rule kami na magwash ng hands once per hour kung maraming tao hindi na namin halos nagagawa yun kasi nga ligpit kami ng ligpit, tapos mag-uutos kayo ng tubig e hahawakan namin yung rim ng baso. Ang baboy db? Saka wag kasing tamad wala tayo sa fine dining restaurant, fast food yun, dun kasi sa counter kumuha ng tubig haha aasikasuhin naman kayo dun haha.
Rant
Yung mga koreano na todo tambay *beep*This
Yung mga kumukuha ng tubig na hindi naman iinumin *beep*This
Yung mga tamad humingi ng lalagyanan ng ketchup kaya dun sa papel or tissue ilalagay yung ketchup *beep*This
Yung mga hindi marunong magshoot ng tissue sa basurahan sa CR *beep*This.
Yung mga babaeng ang bababoy kumain TANGINA NIYO. HAHA